Palagay ko, kailangan nang maisakongkreto itong thesis na ito. Pagkatapos ng limang araw na nalalabi sa opisina nang Collegian (matapos ng halos apat na taon na paglagi sa opisina), palagay ko mauupuan ko na siya finally. Hahaha, magandang virtual memory space talaga ang blog na ito... sabihin na nating wala na akong index card for biblio work, hehehe.
Basically, nag-umpisa ang pag-iisip ko sa thesis mula sa katanungan sa isang Edel Garcellano class: Ikaw (addressing the whole class), gusto mo ba talaga itong Sky Rose (referring to a short story in Moog, anthology of narratives mula sa sites ng protractive war na wine-wage sa countryside)? Do you find it literary? Tinanong ni Edel ito habang nakangiti, parang devil's advocate. Kaya naging cautious at defensive na naman ako, parang nautal at hindi makapagsalita. Katulad ng marami pang intellectual debates na inuumpisahan ni Sir Garce sa class, isa ito sa alam mong hinuhubdan ka niya bilang isang struggling peti-b activist, o at least, Marxist-leaning na estudyante ng CL para lang madiskubre mo na – ha! alam mo bang marami kang maling assumptions!
Hindi ako nakasagot noon. Bagamat may konting, oo, natatakot akong ma-expose, napaisip rin ako. Hindi naman puwedeng automatic ang relationship ng ating literary at cultural appreciation, dahil lang sa pinili nating pulitika. After all, malaking bahagi ng buhay natin bilang peti-b ay hinubog ng napakalawak-salimuot na capitalist mode of production (socio-politico-economic-etcera). So paano iyon, ‘pag sinabi mong oo, gustung-gusto ko iyang akdang iyan, parang sinabi mo na rin na naging instantaneous ang Maoist remoulding ng isang Peti-B para sa iyo, ikaw na nalubog sa isang uri ng high Literature, na sobrang bilis ang naging proseso ng pagbabago ng iyong panlasa, aktitud, etcera, na at this point, fully appreciative ka na agad sa mga ganitong gawa. (Parang naalala ko ang isang nakakatatawang sambit ng kaibigan ko habang nag-iinuman, (take note, nag-iinuman kami nito ng tequila, tapos dalawang malaking pitsel ng Gin, in a decadent mode kasi naka-dubee yung iba, tapos tinakpan namin ng red plastic wrapping yung fluorescent light at malakas yung background inuman OST na Bjork Vespertine album), chummy question: What makes you get up in the morning? Tapos ang sagot niya: the revolution. Walang patumaga, walang buntong-hininga. Simpleng-simple, parang ang dali ng formulation. Parang may formula: What is the x that correspond to the y that will result to the z? Kumusta naman iyon?
Palagay ko lang noon, nung tinanong kami ni Edel sa class, mahirap talaga, lalo na sa atin ang igagap ang mga ganitong simpleng assertion. Ano gusto mo ba talaga o hindi? Napakasimple lang naman ng tanong. Categorical ang sagot. Dalawa lang, oo o hindi. Pero napakaraming gray areas nun, nasa isip ko. Pero simple lang naman iyon siya. Gusto mo ba talaga?
Parang ganito: iyong mga paboritong artists ni Marx na si Bach at Beethoven ay ginamit ng Nazi soldiers sa mga torture camps noong panahon ng Hitlerian purgings. Nilunod ng Moonlight Sonata ang mga sigaw ng sinu-suffocate na mga bata’t babae sa mga gas chamber.
Huh, ang laking dilemma ito, sabi ni Teodor Adorno sa Art after Auschwitz! Ang paliwanag niya, nasa proseso ng double negation, denegation, ang aesthetic. Actually, ang lahat, bilang kanyang interpellation ng dialectics. Oo, provisional at temporal nga siya, ang truth or the establishment of the truth (hindi ito postmod, pluralist kasi wala naman polyTruths, though wala namang (mono)Truth, kailangan lang talagang i-root sa objective conditions ang ating reality, though napaka-general ng philosophical assumption na ito). So kung ayon nga kay Adorno, kung nasa temporal points ang lahat, nasa proseso ng negation ng isang bagay/katotohanan/realidad na dati nang napabulaanan. Kaya nga sinabihang pessimist si Adorno, kasi naman, kailan nga ba nagkakaroon ng negotiation (hehehe, mahirap iyon baka naman kasi maging haggard interpretation ito ng Gramscian na mediated, negotiated rev, yung compromise and surrender to the state, kumusta naman ang mga RJs?). Pero ang tanong, sa lahat ng provisionality ng order of truth (or provisionalities ng orders and truths), kailan nagkakaroon ng affirmation, kahit temporary muna. In light of double negation, kailan sasabihing maganda aesthetically and politically ang gawang pang-kultura. Sa kiskisang ito, o kontradiksyong ito, kailan natin ire-resolve na ang kinakailangan ngang inegate ang ating standards of good writing at sabihing, may problema diyan? Though mahirap itong gawin, mahirap din naman i-dismiss ang discussion ng aesthetics na palagian na lamang nasa void of provisions, na palagian lamang ninenegate katulad ng signal ng closure ng naging essay ni Adorno. Ang balak ko lang naman gawin, mag-depart from Adorno, at iexplore pa ang isyu kung saan natin hinuhugot ang aesthetics at basically, kung paano siya nahuhubog.
Ang eksplanasyon ni J. Neil Garcia rito, sa kanyang Postcoloniality and the Filipino Poetics introduction, the literary aesthetic ay textual performance ng ating essential fascistic tendencies: tanggalin ang mga pangit sa ating mata, kumbaga, sa logic ng fetishism sa language of poetry, gagamitin mo ang salitang petite sa tula instead of short, katulad ng malawakang pagpaslang ng mga Hudyo, mga bakla, mga handicap at mga matatanda. Parang ganito: pangit sa mata ni Hitler ang mga Jewish, katulad ng pangit sa tula ang salitang “balbal” kapag nasa formalist mode tayo sa isang Rio Alma’s LIRA lecture.
Hehehe siyempre, may elitist posturing na agad sa ganitong imposition sa isang poetry class (at siyempre exposed na agad ang political inclination, background of education ni Garcia rito, bilang USTe dati, na trained ni Dimalanta ang poetics at sumama sa neoliberal fold ng UP literary powerbloc/publishers na sina Jing Hidalgo, Jimmy Abad, Preachy Legasto, Butch Dalisay, etc.), na you can never be too crass in poetry, unless may evidence sa text mo na kinakailangan ng such poetic license (ergo Villa, Tinio, Lacaba, Jun Cruz Reyes, etc. siyempre new crit assertion naman ito, na ginagamit ko lang to explain some points).
Pero malabo naman iyon, ganoon ba ang concept ng aesthetic, it can transcend all class. Na parang automatically nihilist ang lahat ng tao, ang academic poet na si Garcia at ang basurero ng FC, ay resolbado sa puntong maganda ang poetics ni Krip Yuson at pangit ang poetics ng ilan sa estudyante ni Garcia na maaring bigyan niya ng dos sa grade dahil wala siya nakikitang promise sa kanilang panulaan. As if, resolbado tayong lahat sa kung ano ang maganda at pangit kasi, katulad ng justification ng Hitlerian raison d’ etre of Fascism, ay pasista tayong lahat. Essentially, fascistic ang aesthetic, at since lahat tayo ay may inherent concept almost universal set of standrads, hence fascists tayong lahat.
Bagamat mapapaisip ka, problematic ang ipinose ni Garcia. Pero siyempre, may pinanggagalingan ito. Problematic – actually, napakalaking problema na nito.
Kung mali ito, saan natin ia-attribute ang aethetic? Ang imagination? O ang literary imagination? Ang cultural production at literary appreciation at large? Paano ito ire-resolve? Hindi naman pwedeng sabihing mahirap lang talagang idiscuss ang politics ng aesthetic, ang desire, ang imagination, ang kagustuhan mo sa Zero Gravity ni Eric Gamalinda (kung saan, sinasabi niyang surrender to the global flux of warm body exports sa mandate ng capital, rejection of all rooting and political location) kahit na anti-glob, anti-impe ka. Hindi naman basta um-oo na lang tayo kay John Berger na sinasabing, oo, talagang mahirap lang talaga ito, hindi basta-bastang nagiging ideological weapon ang literature o kahit na anong cultural production for that manner, “But the influence of their work cannot be determined, either by the artist or by a political commissar in advance. And it is here that we can see that to compare a work of imagination with a weapon is to resort to a dangerous and far-fetched metaphor.” Actually, paglilinaw lang naman ito, so paano na natin muling babasahin ang Sky Rose? Puwede na bang i-dismiss yan na since ganyan ang emergent mode of writing na political ang pangunahing sinasapol ng ganitong akda, maganda na siya. Maaring totoo, pangunahin ang pulitika sa akdang nasabi, katulad sa pagbabasa ng kahit na anong teksto, ngunit dapat bang makupot na lang sa ganitong diskusyon ang mga akda, lalo na sa kung paano ito binabasa sa akademya (na sa isang pagtingin, ay oo, parang dismissal lang ng mga intellectuals dahil hindi naman talaga napapasok ang diskusyon sa mode of writing ng mga ganitong uri ng panulat.)? After all, mahirap maintindihan ang mga akda sa Moog, Ulos, Libe o kahit anupamang mode of writing ng emergent literature na ibang-iba ang presentasyon o organisasyon ng teksto (ng plot, ng language ng kung anu-ano pa) kung lagi na lang natin itong ididismiss sa ganoong interpellation. Palagay ko, self-reflexive ang pagbabasa natin sa lahat ng akda, at mas mahirap balikwasin yung bagay na internal, mga hindi pa masyadong ina-address na usapin sa pagbabasa ng UP o ng akademya ng Pilipinas at large sa emergent literature, sa puntong ito, ang tinutukoy ni Gelacio Guillermo na new mass art and literature.
U-oo na lang ba tayo kay P.N. Abinales sa kanyang pangbabalahura sa OPRS sa kanyang bagong libro, bilang isang imposition sa what is supposedly a natural sexual/libinal impulse, na kapag rebolusyonaryo ka, automatic na ayaw mo na agad, o na-impose na sayo ng partidistang panulaan na balewalain ang poetics ng mga reactionaries. Paano na ngayon iyon? Ganun na lang bang kadali iyon. May necessary restrictions ba talaga sa literary production ng emergent literature (referring to NPA writings, to Moog) katulad ng ini-imply ni Abinales. Haaaay…
Sabihin lang na bagamat tama ang proposal ni Gelacio Guillermo sa New Mass Art and Literature, paano naman iyon magmamaterialize? Ay mali, oo, nagmamaterialize pala ang mga ito, pero sa explanation naman, by theory, sa kung paano siya itinuturo sa academe, na nagiging token special issues class lang naman talaga sa mga CL 110 o CL 198, na pulitika kasi ang pangunahin kaya ganito ito naisulat? Ganun ba talaga iyon?
So paano ang istruktura na balak kong tuhugin sa exploration ng mga nabuksan kong mga tanong:
1. Siguro, bilang isang academic thesis, magbabalbal muna sa umpisa (o ang buong struktura ay isa thesis production, in a way, ay isang textual performance ng pagsasalsal), pag-usapan ang concept ng plaisir ni Barthes, mula sa pagbubuo ng mga Freudian assumption on desire, at Lacanian theories on reception at pagpoproseso sa desire, dito puwedeng pumasok ang medyo contemporary treatise ni Zizek na ang aesthetic bilang transference ng Superego which is Capital.
2. Na katulad ni J. Neil, maaring nakukulong pa rin tayo sa ganitong mode of reading, na ang aesthetic natin, na ang ating concept ng good writing ay hindi pa rin papatok sa Moog writings kasi nasa capitalist mode of readings pa rin tayo. So saan tayo mag-uumpisa? Hehehe, May malaking Gap dito. Maaring exploration sa kung paano ang reconfiguration ng libidinal imposition sa textual aesthetic mula diktat ng capital. Neferti Tadiar’s new book might help, pero naghahanap pa rin ako ng marami pang libro.
3. So dun sisentro sa mga binuksang theoretical formulations ni Jameson, mula sa Political Unconscious hanggang sa concept ng political desire. Paano ba ito hinuhubog? So mula dun, tatalon sa subversion ng desire bilang sagot sa misleading explanation ng OPRS ni Abinales. So mas maraming magulong explanation dito. Maraming documents na pwede kong gamitin dito. Mas maraming assumptions na pinresent ni E. San Juan Jr. sa kanyang essays on subversion of desire na maaring either iexpound o i-challenge.
4. At paano ngayon nito pinapaliwanag ang formalist points ng literary construction ng mga akda sa Moog. Paano ito magugustuhan, siguro mahirap pa ang diskusyon niyon sa nakikita ko, kaya mas pagbubukas siya ng marami pang interrogation sa formal elements ng isang highly-political na mga akda. Hindi naman natin pwedeng ibinbin na panget lang talaga ang mga akdang ito, formalistically, kasi political naman ang pangunahin, (though totoo iyon sa ilang provisional moments, mali naman sa palagay ko ang assumption na ito).
Ayun. Balak ko dun mag-umpisa. At katulad ng lahat ng kabalintunaan ng post na ito, abstract pa rin siya, hanggang sa huli. Shet!