"The idea that happiness could have a share in beauty would be too much of a good thing." --Walter Benjamin

Wednesday, October 19, 2005

Subterranean

Eric Gamalinda
salin ni Carlos Piocos III


Hayaan mong sabihin kong
alam ko ang pangalan ng lahat
at papangalanan ko yaong hindi ko alam:
dukha, naufragio, talinghaga.
Katulad ng musmos na may dibdib
na walang takot sa muwang at pusok
Iniibig ko ang labis na Alindog
Hindi sapat ang liwanag
sa kulimlim ng aking daigdig
Hindi sapat ang puwang para sa pag-ibig

Ikinatatakot kong maaring wala nang magtagal pa
para patunayan ang matagal ko nang hinala:
na ang langit ay isa lamang lamad
sa loob ng bungo ng anghel,
ang mga puno'y nag-uusap pagsapit ng dilim,
ang yelo ay tubig na pinatahan ng lamig,
minamanmanan tayo ng sanggol mula sa sinapupunan.

Ikinababahala ko ang pagluluksong-
lubid ng bata sa kanto, ang babae
sa tren na may bungkos ng bulaklak sa buhok,
ang lalaking ang buong Gunita ay yaong
nasa wikang Kastila. Higit kong ikinatatakot
ay ang mawalan ng malay kapag natutulog,
at sa aking paghimbing, tatanda ako’t makaliligta
kung paano minsan ako'y pinagdamutan
ng pagnanasa ng antok at katinuan

At tulad ng mga Kapanahunan,
sila ay mamamatay,
at ako ay mamamatay,
at ikaw ay mamamatay rin.
Walang nakasisigurado kung sino ang unang yayao
at ito ang sanhi
ng lahat ng aking lunggati

9 Comments:

Blogger guillerluna said...

mamu, ni-repost ko po 'to sa blag ko kasama yun kay omer.

5:02 PM

 
Blogger adarna said...

mamu! i miz u na! pahiram ng gamalinda poetry. puro novella at kung anik-anik na prosa lang ang meron ako sa kanya e.

mwah!

ni-link pala kita sa blog-blog-an ko.

11:44 PM

 
Blogger Roberto Iza Valdes said...

This comment has been removed by a blog administrator.

4:18 AM

 
Blogger letter shredder said...

Caloy!!! Link ko 'yung blog mo sa akin... Miss na kita!

Your love is better than ice cream...

8:22 PM

 
Blogger letter shredder said...

sabi ko nga... hindi mo pina=pa-link 'to... hehehe kakabsa ko lang nung previous entry...

7:03 PM

 
Blogger paymaster said...

Hi dark-vader,

As a result of reading your blog "Subterranean", I think you will discover my site on Highest Wages In All States will be a great help.

To illustrate our diverse range of wages information, here are some of the latest search terms that located our site ...

Electrical Installers & Repairers Wages
Electronics Installers & Repairers Wages
Electrical Transportation Equipment Repairers Wages
Electrical Industrial Equipment Repairers Wages
Electrical Powerhouse Equipment Repairers Wages
Electrical Substation Equipment Repairers Wages
Electrical Power-line Repairers Wages
Electronic Motor Vehicle Equipment Repairers Wages.

Best Regards
Emily

3:08 PM

 
Blogger joeingals86986917 said...

I read over your blog, and i found it inquisitive, you may find My Blog interesting. My blog is just about my day to day life, as a park ranger. So please Click Here To Read My Blog

http://www.juicyfruiter.blogspot.com

12:39 PM

 
Blogger moki said...

sir
helf
fleas
i teach literature
filipino (2section)
at world (4 na section)
sa lasalle lipa...
uhm kase suggested readings ang kanila
wala po aku makita cirilio f bautista na the sea gull
meron po ba kayo?
saka si eric gamalinda ren readings nila :)
ang fun kase di ko expect! gagamitin ko po yun translation nyo sa discussion ha? :)


text ko po kayo ser ha?
moki

6:27 PM

 
Blogger Iza Firewall said...

This comment has been removed by the author.

3:16 PM

 

Post a Comment

<< Home