"The idea that happiness could have a share in beauty would be too much of a good thing." --Walter Benjamin

Thursday, August 11, 2005

Miguel

Ngayong tag-araw
natuto tayong magmahal
sa mga bagay na simple, musmos
at pangkaraniwan na sa pangkaraniwan.

Tulad ng pagtunaw sa dilim ng ating mga katawan.
(mula solido patungong anino)

Tulad ng paglambong ng lambot ng hamog sa parang.
(at ang unang pag-usal ng pag-ibig sa tunog ng pangalan)

Tulad ng pagtalunton ng konstelasyong Orion
sa madilim na bubong na maabot lamang
ng pagtingala't pagbibilang ng kisap ng matang-langit.
(mga bituin sa yerong binutas ng sanlaksang titig)

Ngayong tag-araw
ang unang pagtuklas
sa pagbalikwas ng mga batas
ng pangkaraniwan na sa pangkaraniwan.

Ang unang paggagap sa mga simbolo't sagisag,
na hindi maangkin ng anumang salita,
na hindi mapapangalanan ng anumang kataga,

Kung saan mananatiling nasa dulo ng umid
na dila ang unang linya ng tula,

at sa pagitan ng saglit
ng buntong hininga at halik
at bugso ng mga subersibong mata,
ang lahat ay nagiging makata
ng mumunti't pangkaraniwang daigdig.

Ngayong tag-araw,
naiwan ko ang kalahati ng tula
at ang titulo ng akda
sa iyong bibig.

4 Comments:

Blogger dark-vader said...

iris!

salamat at nagustuhan mo ang tula. no ka ba, im sure you don't need all the theories, minsan bagahe lang talaga iyon...

miss na miss na kita, miss na miss ka na rin ni faji. sana makabanggaan ko kayo one of these days.

whatever happened to the crossing ibabaw nights... hayyy!

labyu...

PS: ano bang ibig sabihin ng "bookmark" at ano ang implications kapag "bookmarked" ang blog mo?

labyu!

3:29 AM

 
Blogger guillerluna said...

nanggaling na tayo rito.

11:28 AM

 
Blogger guillerluna said...

paanong ang anino'y nangusap sa wika ng mga anghel, propeta't bulaan?

11:41 AM

 
Blogger Darren Demers said...

i can't possibly express how much i envy the sophistication of your thoughts. parang kailan lang na isa kang budding kloseta na umakyat sa kule, tahimik pero may flash of defiance na sa mga mata.
black dress for girl salwar kameez
black salwar kameez men

10:36 PM

 

Post a Comment

<< Home